Sunday, November 25, 2012

Hay Buhay... Ang traffic.

Haaaay. Biyernes nanaman. Quiapo day nanaman. Ayon sa aking pagkaka-sukat mula sa daftlogic.com, wala pa sa isang kilometro ang layo ng Espana Blvd. hanggang sa Quiapo Church. Pero dahil nga Quiapo Day, aabutin ka ng halos 20 minuto bago makalagpas ng Quezon Blvd at  sa wakas ay makapunta sa iyong destinasyon. Marami kasing debotong nagsisimba at marami ring namimili sa mga masisikip na eskinita ng Simbahan. 

Traffic papuntang Quiapo. (static.flickr.com)
So what? Ano naman kung maraming tao? 

Yun na nga ang nagiging problema. Dahil maraming tao, ginagawa itong oportunidad ng ating mga kapatid na driver para makakuha ng mga pasahero. Ang nangyayari, nagiging isang malawak na terminal ang gilid ng Quiapo Church at hindi sila aalis hangga't hindi nila napupuno ang kanilang mga jeepney. In short, ang puno't dulo ng traffic na ito ay ang kawalan ng disiplina ng ating mga driver. 

I have nothing against our jeepney drivers. Sa katunayan nga ay ina-admire ko ang kanilang kasipagan. Ang pagiging isang jeepney driver ay isang marangal na trabaho. Walang mali doon. Ginagawa lang nila ang trabaho nila. Kailangan nila ito para matugunan ang pangangailangan ng kanilang pamilya. 

Kaso lang, isn't it too selfish? Dahil gusto nilang kumita ng pera, gagawin nilang istasyon ng jeep ang labas ng simbahan. Marami kasing nape-perwisyo e. Mga taong nagmamadali, may appointment, gustong-gusto nang umuwi sa kanilang mga bahay, at magde-deliver pa ng mga perishable goods. Diba? Kung dire-diretso lang sila at hindi mananatili doon para magsakay ng pasahero, swabe lang! Tuloy-tuloy. Pagkalagpas kasi ng Quiapo Church, medyo maluwag na ang daloy ng trapiko. 

Again, I have NOTHING against our dear jeepney drivers. Ito lamang po ang napupuna ko. 

Pero ayaw ko namang isisi ang lahat sa ating mga kapatid na driver. Siguro may mali rin sa sistema. Maaari naman silang magpatupad ng ordinansa na nagbabawal sa mga jeep na tumigil sa Quiapo para lang maging loading zone. Kung meron lang talagang political will, maipapatupad nila ito nang maayos e. Kaso wala. Kaya minsan, hindi lang Biyernes ang ma-traffic, kundi ang iba pang araw sa isang linggo. 

Hindi lang sa Quiapo ma-traffic. Ma-traffic rin sa Taft Avenue. Ma-traffic rin sa Coastal Road. Ma-traffic rin sa EDSA. Hindi ko na maiisa-isa ang mga kalye sa Kamaynilaan na pinamumugaran ng traffic. Baka maumay kayo sa pagbabasa. But what they have in common is, hindi kagandahan ang imprastraktura ng mga nabanggit kong mga lugar.

Aerial View ng South Luzon Expressway. Ang ganda a.
(farm7.staticflickr.com)
In all fairness naman sa ating Pamahalaan, ginagawa nila ang makakaya nila para lamang tugunan ang problema sa trapiko. Kung anu-anong mga schemes na ang ipinapatupad ng MMDA para lang maibsan ang problemang ito. Kaso kahit ano pang schemes ang ipatupad nila, kung hindi naman kalawakan ang kalye mo, hindi rin iyan magiging mabisa. 

Kapag uuwi kami ng probinsiya at dadaan ng South Luzon Expressway, karugtong pa ang Star Tollway, dalawang oras lang, andun na kami sa bahay ng lola ko. Pero simula Cavite hanggang Maynila ay aabutin ka ng halos dalawang oras. Partida ha, probinsiya na yung nauna. Ang pagkakaiba nila, sobrang ganda ng kalsada gamit ang SLEX, unlike dito sa Maynila na sobrang daming mga sasakyan ang naghahati-hati sa mga hindi naman kalalawakang mga kalya. Kung sing-lapad lang siguro ng Commonwealth ang lahat ng mga kalye dito sa Maynila, WOW, ang sarap siguro magbiyahe. 

Traffic and the Philippine Economy

Sa tatlong sites na napuntahan ko, travelwireasia.com, allworldcars.com, at driveabroad.com, kasama ang Manila sa mga inilista nilang cities with worst traffic jams. 

Hmmm. Na-realize ko lang. Wala rin palang kawala ang mga highly industrialized countries sa ibang panig ng mundo. Masyado palang idealistic itong sinulat ko. Hindi pala talaga maiiwasan ang traffic sa pag-usad ng mga umuunlad na mga bansa. Pero kahit na! Nakaka-stress pa rin ang lumusong sa traffic.

Traffic Jam in Japan.
(allworldcars.com)
Sa isang ulat mula kay Katherine Visconti (2012) para sa website na rappler.com,  nakasaad dito kung gaano kalaki ang nawawala sa Pilipinas dahil lang sa traffic. Aniya:
The country is losing money, as people's productive hours slip away in traffic.


A study by the National Center for Transportation Studies says traffic in Metro Manila cost the country 137.5 billion pesos in 2011.
The loss in productivity is almost as much as two months worth of remittances and equivalent to 1.4% of the total Philippine economy. (Rappler.com, 2012)
Kita mo nga naman. Ang laki ng nawawala sa ekonomiya ng Pilipinas! Ang layo sana ng mararating nung 137.5 bilyong piso. Kasi nga naman. Pag na-late ka dahil sa traffic, kaltas ang sweldo mo. Yung mga perishable goods naman na nata-trap sa traffic ay nagpe-perish na at hindi na nakakarating sa ating mga palengke. Kaltas rin yun sa kita. Kahit sa mga drivers. Sa halip na maka-ilang ikot sila ng biyahe, mababawasan pa ito dahil lang mata-trap sila sa traffic. Sayang ang pera. Sayang ang pagod. At higit sa lahat, sayang ang oras. Oras na kasi yun e. Hindi na mababalik yan. Yun ang pinakasayang sa lahat. 

Well sabi nga nila, hangga't may buhay, may pag-asa. Sana lang magkaroon pa ng solusyon ang nakaka-iritang problema ng Kamaynilaan. What we need is political will and higit sa lahat, DISIPLINA. Disiplina ang nakikita kong tanging solusyon para sa problemang ito. 

Inuulit ko. Hindi unique sa Pilipinas ang mga ganitong traffic. Wala akong galit sa mga butihin nating mga driver. Isinulat ko lang dito ang mga napapansin ko sa ating lipunan.

________________________

Para sa ilan pang mga ulat ukol sa laki ng nawawala sa ating ekonomiya bunsod ng trapiko, narito ang ilan pang mga websites:

1. http://newsinfo.inquirer.net/277446/ph-economy-losing-3-27b-in-human-productivity-due-to-traffic-mess
2. http://pinoy-business.com/money-and-finance/financial-losses-from-metro-manila-traffic

_________________________

Sanggunian:

Visconti, K. (2012). Traffic and infrastracture delays cost the Philippines. Retrieved from http://www.rappler.com/business/13137-traffic-and-infrastructure-delays-cost-the-philippines

http://allworldcars.com/wordpress/?p=11866

http://www.travelwireasia.com/2011/12/asias-worst-traffic-hotspots-and-how-to-get-around-them/

http://www.driverabroad.com/driving-facts/most-traffic-congested-cities/

Mga litrato:

http://static.flickr.com/20/71310080_7b689c2262.jpg

http://farm7.staticflickr.com/6180/6181163746_53519165b7_z.jpg

http://allworldcars.com/wordpress/wp-content/uploads/2008/12/01/tokyo_traffic_jam1.jpg

Sunday, October 14, 2012

Paskong Pinoy

Parol (pigmentations.files.wordpress.com) 
Hindi pa man dumarating ang Undas o Todos los Santos ay naglalabas na ng kani-kanilang Christmas countdowns ang mga News and Public Affairs shows sa primetime. Nagsusulputan na rin ang iba’t-ibang uri ng parol na nagkikislapan tuwing gabi. Nagpapatugtog na rin ng mga Christmas Songs ang ilang mga FM stations. Palibhasa, pumatak na ang mga buwan na nagtatapos sa –ber na naghuhudyat ng pagsisimula ng yuletide season sa Pilipinas.

Bukod sa pagiging isa sa pinakamalaking Katolikong bansa sa Asya, kilala rin ang Pilipinas sa may pinakamahabang selebrasyon ng Pasko sa daigdig. Nag-uumpisa ito pagpatak ng Setyembre at nagtatapos sa Kapistahan ng Tatlong Hari pagdating ng Enero—limang buwang Kapaskuhan!

Naku po!

Hindi rin maiiwasan ng mga Pinoy ang sumakit ang ulo sa mga ganitong panahon.

Christmas traffic at EDSA (2.bp.blogspot.com)
Dahil umaagos ang labas ng pera para bumili ng mga panghanda at pang-kris kringle, hindi mawawala ang mga mandurukot at mga magnanakaw na handang atakihin ka malingat ka lang ng tingin. Nababalita na rin ngayon sa TV na dumarami na rin ang mga namemeke ng pera! Naku po! Hindi talaga mawawala ang mga madlang mapang-abuso ngayong Kapaskuhan. Ika nga sa mga food establishments, “Do not leave your things unattended.”

At dahil kelangang mamili ng mga panghanda at pang-exchange gifts, asahan na rin ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na sa mga lugar kung saan ka makakamura tulad ng Divisoria at Baclaran. Idagdag mo pa ang kaliwa’t-kanang mga Christmas Sales na pakulo ng mga naglalakihang malls. Naku po! Baka ang something edible mo sa Kris Kringle ay maubos mo na kakahintay sa sobrang traffic.

At dahil pa rin sa mga kaliwa’t-kanang Christmas Parties at monito-monita, andiyan na rin ang pag-atake ng high blood sa mga nakatatanda at lubusang paggastos ng pera. Tandaan: too much of everything is not good. Naku po! Hinay-hinay lang sa pagkain! May Christmas Party pa uli bukas. At, huwag masyadong gamitin ang credit card! Hindi naman kailangang mamahalin ang regalo. Ang importante ay nakaalala ka.

Naks naman!

Hindi naman sa sinisisi ko masyado ang mga handaan, Christmas Parties, at exchange gifts. Ito pa rin ang mga okasyong pinakahihintay ng mga Pinoy sa buong taon—sagana sa pagkain, maraming galante.

Naks naman! Andiyan na ang mga nangagaroling. “Saming bahay ang aming bati, Meri Krismas mawawalhati” nanaman ang mga maririnig mo sa mga bata. Samahan mo pa ng mga bote at tansan. Minsan lang ang Pasko! Kahit nakakatamad pumanhik-panaog sa bahay para mamigay ng konting barya sa mga batang maka-ilang beses nang nakabalik dahil alam na galante ka, hindi pa rin kumpleto ang Christmas spirit kung wala ang mga carolers.

House in Policarpio street. (thewatzup.com)
Naks naman! Kahit wala kang pera, pumunta ka lang sa pinakamalapit na munisipyo o parke ay mabubusog na ang mga mata mo dahil sa naglalakihang mga Christmas tree at mga parol. Maglakad-lakad lang sa Policarpio Street sa Mandaluyong o sa Greenhills, San Juan para manuod ng animated display nang walang binabayaran. Makasama lang ang ating mga mahal sa buhay ay swak na swak na ang Christmas experience natin.

Andiyan na rin ang mga regalo at mga pulang envelope na may lamang pera mula sa ating mga ninong at ninang. Naks naman! Hindi ata sila nagtago ngayon! Pero sa mga inaanak diyan, huwag na kayong malungkot kung simple lang ang nabigay sa inyo. Tandaan: mahirap ang buhay ngayon. Babawi rin yan pag nakaluwag-luwag na sila. At least, naalala ka nila diba?

At siyempre, love is in the air. Naks naman! Andiyan ang diwa ng bigayan at pagmamahalan sa kapwa. May sharing, hindi uso nag-iinit ang ulo. Pero sabi nga sa kanta, “Tayo ay magmahalan, ating sundin ang gintong aral. At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko ay magbigayan.” Dapat buong taon, ganyan ang ambiance para mas masaya.

Christmas Belen (3.bp.blogspot.com)
Ngunit ang Paskong Pinoy ay hindi lang lahat tungkol diyan. Ang tunay na diwa ng Pasko ay ang kapanganakan ni Hesus, ang ating Tagapagligtas. Hindi tayo nagdiriwang dahil kay Santa Claus o dahil sa mga regalong matatanggap natin. Nagdiriwang tayo dahil kay Hesus. Kaya, wag kalimutang magpasalamat sa Kanya ha?

Sabi nga ni Yeng Constantino, “Ibang-iba talaga ang Pasko sa Pinas.”

                                                


Images:

http://pigmentations.files.wordpress.com/2008/09/parol1.jpg

http://2.bp.blogspot.com/_ZVbd1h_76Mo/S0VtH0RPs_I/AAAAAAAAAGY/0PYUauFvz1k/s320/Edsa4+traffic+by+night.jpg

http://thewutzup.com/wp-content/uploads/2010/11/beautiful-house-full-of-lights-and-christmas-decor-in-policarpio-street-philippines.jpg

https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjZbem7UhimwkrRldODbq3e4FlUiLbm2yCGJpiHTR4wyR9iqTT7EmNda-3w3s5jAN8uDunBw-yHp-hWYNB-oZ1cMWo5uewmbbS2leiY-Z2iT6dBQvT5FQTUyp86i5onkcWMJh2XH8XrrDyj/s320/Christmas+Belen.jpg

Thursday, September 13, 2012

Rizal, Fili, and the Revolution

A lot of us might have learned in high school that Rizal used his wit and pen to ignite the Revolution. Perhaps our high school teachers have taught us that Jose was anti-Revolutionary, going against the idea of violence to overthrow the Spanish regime. But is Rizal really against the revolution?

The answer to this question can be understood in his two novels--the Noli Me Tangere and the El Filibusterismo. The sudden shift of theme between these works proved that Rizal became tired of peacefully asking reforms to the Colonial Government.

Noli is at some point, romantic, as portrayed by the love story of Ibarra and Maria Clara. The protagonist, Ibarra, depicts a hesitant Filipino who simply asked reforms from the Spaniards rather than the use of force. But El Fili was a contradiction. Ibarra, who later became Simoun, promoted uprisings, rebellions, and revenge. The second novel, therefore, presents a more radical approach against the Spaniards.

But, El Fili ended with a failure. The plotted revenge of Simoun did not materialize. According to Graciano Lopez Jaena, Rizal left the second novel a "problem without solution." With this, we can say that Jose at that time was a "Reluctant Revolutionary"*

But was it really hesitancy? According to Leon Ma. Guerrero, one of the most famous biographer of our National Hero, this failure let the Filipinos to realize that they are not yet ready for a revolution--that anything might happen and become a hindrance for a successful uprising. And he must have been right: any revolution without prior planning will definitely result into chaos, instead of triumph.

With this, we may arrive into conclusion that Jose is not "Anti-Revolutionary," contrary to what was imposed  by Renato Constantino. We can say that what Jose advocates is concrete planning and strategy for the Philippines to be fully detached from Spain's injustices.

His ideas of separation became evident when Simoun told the following to Basilio:
"You ask parity of rights, the Spanish way of life, and you do not realize that what you are asking is death, the destruction of national identity.... So they refuse to integrate you into the Spanish nation, so much the better! Take the lead in forming your own individuality, try to lay the foundations of a Filipino nation.... Instead of aspiring to be a mere province, aspire to be a nation. (Guerrero, 2010).
"Aspire to be a nation." What Jose wants is the complete  separation, not just assimilation--assimilation that will lead to the "destruction of national identity." Indeed, the El Filibusterismo served as spark which paved way to the Philippine Independence.

______________________________

Notes:
* Reluctant Revolutionary is the title of Chapter XIV from Guererro's The First Filipino.

Sources:
Guerrero, L.M. (2010). The First Filipino. Manila: Guerrero Publishing.

Images:
http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/b/b0/Jose_rizal_01.jpg/250px-Jose_rizal_01.jpg
http://www.kabayancentral.com/book/nhi/9715380166.jpg