Parol (pigmentations.files.wordpress.com) |
Hindi pa man dumarating ang Undas
o Todos los Santos ay naglalabas na ng kani-kanilang Christmas countdowns ang mga News
and Public Affairs shows sa primetime.
Nagsusulputan na rin ang iba’t-ibang uri ng parol na nagkikislapan tuwing gabi.
Nagpapatugtog na rin ng mga Christmas
Songs ang ilang mga FM stations. Palibhasa,
pumatak na ang mga buwan na nagtatapos sa –ber
na naghuhudyat ng pagsisimula ng yuletide
season sa Pilipinas.
Bukod sa pagiging isa sa
pinakamalaking Katolikong bansa sa Asya, kilala rin ang Pilipinas sa may
pinakamahabang selebrasyon ng Pasko sa daigdig. Nag-uumpisa ito pagpatak ng Setyembre
at nagtatapos sa Kapistahan ng Tatlong Hari pagdating ng Enero—limang buwang
Kapaskuhan!
Naku po!
Hindi rin maiiwasan ng mga Pinoy
ang sumakit ang ulo sa mga ganitong panahon.
![]() |
Christmas traffic at EDSA (2.bp.blogspot.com) |
At dahil kelangang mamili ng mga panghanda
at pang-exchange gifts, asahan na rin
ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na sa mga lugar kung saan ka makakamura
tulad ng Divisoria at Baclaran. Idagdag mo pa ang kaliwa’t-kanang mga Christmas Sales na pakulo ng mga
naglalakihang malls. Naku po! Baka
ang something edible mo sa Kris Kringle ay maubos mo na kakahintay
sa sobrang traffic.
At dahil pa rin sa mga kaliwa’t-kanang
Christmas Parties at monito-monita, andiyan na rin ang
pag-atake ng high blood sa mga
nakatatanda at lubusang paggastos ng pera. Tandaan: too much of everything is not good. Naku po! Hinay-hinay lang sa
pagkain! May Christmas Party pa uli
bukas. At, huwag masyadong gamitin ang credit
card! Hindi naman kailangang mamahalin ang regalo. Ang importante ay
nakaalala ka.
Naks naman!
Hindi naman sa sinisisi ko
masyado ang mga handaan, Christmas
Parties, at exchange gifts. Ito
pa rin ang mga okasyong pinakahihintay ng mga Pinoy sa buong taon—sagana sa
pagkain, maraming galante.
Naks naman! Andiyan na ang mga
nangagaroling. “Saming bahay ang aming bati, Meri Krismas mawawalhati” nanaman
ang mga maririnig mo sa mga bata. Samahan mo pa ng mga bote at tansan. Minsan
lang ang Pasko! Kahit nakakatamad pumanhik-panaog sa bahay para mamigay ng
konting barya sa mga batang maka-ilang beses nang nakabalik dahil alam na galante
ka, hindi pa rin kumpleto ang Christmas
spirit kung wala ang mga carolers.
House in Policarpio street. (thewatzup.com) |
Andiyan na rin ang mga regalo at
mga pulang envelope na may lamang
pera mula sa ating mga ninong at ninang. Naks naman! Hindi ata sila nagtago
ngayon! Pero sa mga inaanak diyan, huwag na kayong malungkot kung simple lang
ang nabigay sa inyo. Tandaan: mahirap ang buhay ngayon. Babawi rin yan pag
nakaluwag-luwag na sila. At least,
naalala ka nila diba?
At siyempre, love is in the air. Naks naman! Andiyan ang diwa ng bigayan at
pagmamahalan sa kapwa. May sharing,
hindi uso nag-iinit ang ulo. Pero sabi nga sa kanta, “Tayo ay magmahalan, ating
sundin ang gintong aral. At magbuhat ngayon, kahit hindi Pasko ay magbigayan.” Dapat
buong taon, ganyan ang ambiance para
mas masaya.
![]() |
Christmas Belen (3.bp.blogspot.com) |
Ngunit ang Paskong Pinoy ay hindi
lang lahat tungkol diyan. Ang tunay na diwa ng Pasko ay ang kapanganakan ni
Hesus, ang ating Tagapagligtas. Hindi tayo nagdiriwang dahil kay Santa Claus o dahil sa mga regalong
matatanggap natin. Nagdiriwang tayo dahil kay Hesus. Kaya, wag kalimutang
magpasalamat sa Kanya ha?
Sabi nga ni Yeng Constantino, “Ibang-iba
talaga ang Pasko sa Pinas.”
Images:
http://pigmentations.files.wordpress.com/2008/09/parol1.jpg
http://2.bp.blogspot.com/_ZVbd1h_76Mo/S0VtH0RPs_I/AAAAAAAAAGY/0PYUauFvz1k/s320/Edsa4+traffic+by+night.jpg
http://thewutzup.com/wp-content/uploads/2010/11/beautiful-house-full-of-lights-and-christmas-decor-in-policarpio-street-philippines.jpg
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEjZbem7UhimwkrRldODbq3e4FlUiLbm2yCGJpiHTR4wyR9iqTT7EmNda-3w3s5jAN8uDunBw-yHp-hWYNB-oZ1cMWo5uewmbbS2leiY-Z2iT6dBQvT5FQTUyp86i5onkcWMJh2XH8XrrDyj/s320/Christmas+Belen.jpg